Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple | |
---|---|
Mga sundalo ng Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple | |
Active | 22 Hulyo 1942 – 12 Oktubre 1945 |
Bansa | Unyong Sobyet |
Pagtatapat | Korea Partido Komunista ng Tsina |
Uri | Hukbong-lakad |
Palayaw | Militar na Yunit 8461 |
Mga pakikipaglaban | Ikalawang Digmaang Pandaigdig Digmaang Sobyet-Hapones |
Mga komandante | |
Natatanging mga komandante |
Kumander Heneral Zhou Baozhong |
Ang Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple (Ruso: 88-я отдельная стрелковая бригада, Koreano: 제88독립보병여단, Tsino: 苏联远东方面军独立第88步兵旅), ay isang pandaigdigang yunit ng militar ng Pulang Hukbo ng Mga Manggagawa at Magsasaka na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kakaiba ito na sinama sa mga mamamayan ng Korea, Tsina, at Sobyetikong Gitnang Asya sa mga ranggo nito.[1]
Itinatag ito noong Hulyo 22, 1942, upang tanggapin ang natitirang puwersa ng Hilagang-silangang Kontra-Hapon na Nagkakaisang Hukbo, na pinatapon sa Unyong Sobyetiko pagkatapos pinadpad ng Hukbong Imperyal ng Hapon sa Manchuria noong panahon ng digmaan.[2][3] Pinunan ang brigada ng mga mamamayang Sobyetiko na may lahing Tsino at Koreano, na umabot sa 1,500 katao. Bagaman isang yunit militar na Sobyetiko, pinanatili nito ang orihinal na organisasyon na mayroon na sa NAJUA. Nakalokasyon sa Malayong Silangan, nasa ilalim ng kontrol ito ng ika-25 Hukbong Sobyetiko. Ang Tsinong Tenyente Koronel Zhou Baozhong ang unang kumander.[4][5][6] Binubuo ang brigada ng mga Tsino at Koreano, na ipinakalat sa mga kampo "A" at "B" sa arabal ng Kerki sa Turkmen SSR. Pinamunuan ni Kapitan Kim Song-ju, na kalaunang kilala bilang Kim Il Sung, ang Unang Batalyong Koreano. Nakaestasyon ang brigada sa nayon ng Vyatskoye sa Ilog Amur sa Khabarovsk Krai. Noong 1943, si Heneral Iosif Apanasenko ang nagbigay sa brigada ng opisyal na bilang ng yunit.[6] Hindi nailagay sa labanan ang brigada, yayamang may tungkulin itong tapusin ang mga gawaing intelihensiya-pagsabotahe laban sa Hapon, na may maliit na armadong pangkat na nilapat sa Manchuria at Korea.[2]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)